Home NATIONWIDE Mga Pinoy mas interesado sa murang kuryente kaysa pinagkukuhanan nito-PBBM

Mga Pinoy mas interesado sa murang kuryente kaysa pinagkukuhanan nito-PBBM

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas inaalala ngayon ng mga filipino ang makakuha ng mas murang kuryente kaysa saan ito manggagaling.

Ayon sa Pangulo, ang alalahanin ng publiko ukol sa nuclear safety ay lumalabas na magbibigay-daan sa mga kahilingan sa mas abot-kayang elektrisidad.

“Because we always worry about, people are worried about safety and the answer that comes back is that we don’t care where our power comes from, but bring it more cheaper. That’s it. We don’t care where it comes from. So that’s changed completely,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute (SNRSI).

Ang pahayag na ito ng Pangulo habang ginagalugad ng administrasyon ang nuclear energy bilang paraan para palakasin ang energy security ng bansa at bawasan ang electricity costs.

Sa kabilang dako, binisita rin ng Pangulo ang kontrobersiyal na mothballed Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), itinayo sa panahon ng kanyang administrasyon ng kanyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang 620-megawatt facility sa Morong, Bataan, ay nakompleto noong 1984 sa halagang $2.3 billion ngunit hindi kailanman nakabuo ng kuryente.

Binisita ni Pangulong Marcos ang SNRSI sa kanyang Oct. 7 hanggang 11 working visit sa Singapore upang malaman ang tungkol sa ‘nuclear research, safety and regulation.’

Samantala, kabilang sa iba pang dumalo sa miting ay sina Aboitiz Equity Ventures President at CEO Sabin Aboitiz, Ayala Corp. Chair Jaime Augusto Zobel de Ayala, SNRSI Director Prof. Chung Keng Yeow at Singapore National Environment Agency Group Director Ang Kok Kiat.

Kasama naman ni Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute ang mga miyembro ng Philippine delegation, kabilang sina Finance Secretary Frederick Go, Trade Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque at Acting Presidential Communications Secretary Dave Gomez. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here