Home NATIONWIDE 16 sugatan sa pagtagilid ng pampasaherong trak sa SLEX

16 sugatan sa pagtagilid ng pampasaherong trak sa SLEX

1
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang 16 indibidwal matapos tumagilid ang isang pampasaherong trak sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba, Laguna.

Sa report, sumabog ang isa sa mga gulong ng trak kaya nawalan ito ng kontrol at tumama sa road barrier saka bumaliktad.

Nahulog pa ang isa sa mga pasahero sa insidente.

Ayon sa SLEX Highway Patrol Group, 16 ang sugatan kabilang ang drayber at pasahero na pawang mga empleyado ng construction firm.

Isa sa mga biktima ay nananatili sa intensive care unit matapos sumailalim sa operasyon.

Sasagutin naman ng construction company ang gastos sa ospital ng mga biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here