MANILA, Philippines – Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga tagasuporta ng movement na nananawagan sa pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
“Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng mga Pilipino mula sa Netherlands at kalapit nitong mga bansa na nakiisa sa inilunsad na Free Duterte Now Movement sa The Hague noong mga nakaraang buwan,” sinabi ni Duterte nitong Sabado, Oktubre 10.
Nitong Huwebes, nakitaan ng Trial Chamber III ng ICC na fit to stand trial ang dating Pangulo para sa paglilitis sa crimes against humanity kaugnay sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Nakatakda ang paglilitis sa kanya sa Nobyembre 30, 2026.
“Mga kababayan, patuloy nating ipagdasal ang kapayapaan ng ating bayan, gayundin ang kaligtasan ng lahat. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” sinabi ni VP Sara. RNT/JGC