Home HOME BANNER STORY Alegasyon sa flood control scandal isinisi ni Villanueva sa pwersa ng kadiliman

Alegasyon sa flood control scandal isinisi ni Villanueva sa pwersa ng kadiliman

3
0

MANILA, Philippines – Inalala ni Senador Joel Villanueva ang naidulot ng alegasyon ng korapsyon na nag-ugnay sa kanya sa flood control scandal.

Aniya, nagsama-sama ang political forces para sirain siya at ang reputasyon ng kanyang pamilya maging ng religious community.

Sa pagsasalita sa harap ng mga miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) Worldwide Church sa Quirino grandstand sa Maynila, inalala ni Villanueva kung paano niya pinagdaanan ang “severe criticism and accusations” sa nakalipas na taon at inilarawan ito bilang “painful ordeal” na nakaapekto sa kanyang pamilya at sa JIL.

“Yung mga mafia at forces of darkness nagkaisa para ibagsak at yurakan ang aking pagkatao,” sinabi ni Villanueva.

Ang JIL ay nagdiriwang ng ika-48 anibersaryo na itinatag ng kanyang ama na evangelist at CIBAC Party-list Representative Brother Eddie Villanueva.

Inakusahan ni Villanueva ang mga kaalyado sa politika na tumalikod sa kanya at nagsama-sama sa inilarawan niyang “black operations.”

“Sa mundo nga po ng pulitika, yung kasama mo kamakailan, sila pa yung gumagawa ng mga black operations against you,” anang senador.

“Ang masakit ho sa lahat, pagka ho binabanggit yung pamilya mo; ang pinakamasakit sa lahat, pagka binabanggit yung JIL Church,” dagdag pa niya.

Dahil dito ay hinimok niya ang mga kasamahan na kumuha ng lakas sa kanilang pananampalataya sa halip na public approval, at binigyang pagpapahalaga ang paghanap ng kapayapaan at galak sa Diyos sa kabila ng personal at political difficulties.

“The joy of the Lord is our strength,” aniya.

Matatandaan na inakusahan ni dating Bulacan first district assistant district engineer Brice Hernandez si Villanueva na nakinabang umano sa maanomalyang flood control projects sa probinsya.

Itinuro rin ni dating Bulacan district engineer Henry Alcantara ang senador sa kickback kung saan nasa P150 milyon umano ang inihatid kay Villanueva sa pamamagitan ng aide na tinukoy bilang si “Peng.”

Itinanggi naman ni Villanueva ang mga alegasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here