Home ENTERTAINMENT Derek, kalmado muna ang lovelife!

Derek, kalmado muna ang lovelife!

1
0

Manila, Philippines – Masaya ngayon si Derek Ramsay kahit hiwalay siya sa ex na si Ellen Adarna.

Aniya, ang mundo raw niya ay umiikot sa anak na si Lili.

Happy na raw siya na nahihiram niya at nakaka-bonding ang unica hija.

Sa mga nangyari sa kanila ni Ellen, wala raw naman siyang regrets.

Gayunpaman, may lessons naman siyang natutunan.

Aminado rin siyang ang pinakamatinding dagok na kanyang naranasan ay nang maghiwalay sila ni Ellen.

Nakaya raw niya ang lahat dahil sa support system ng kanyang mga magulang at mga kaibigan.

Ayaw din niyang pag-usapan ang tungkol sa diumano’y annulment nila ng ex.

Hirit pa niya, ayaw din daw niyang patulan kung may mga patutsada man sa kanya ang dating partner.

Dedma rin daw ito sa pagfli-flex ni Ellen ng pera ng sustento ni John Lloyd Cruz kay Elias.

Dagdag pa niya, mahigit na isang taon na wala raw siyang idini-date na babae.

Choice raw niya ito dahil mas focused siya sa co-parenting with Ellen sa anak.

Unfair din daw sa babae kung magdyodyowa siya dahil baka hindi niya maibigay nang buo ang kanyang panahon.

Kung sakaling magkaka-girlfriend daw siya, mas preferred daw niya ang non-showbiz at kung galing man sa showbiz ay handang talikdan ng girl ang limelight tulad niya.

Inamin din ni Derek na nagseselos siya sa kanyang mga magulang dahil successful ang marriage life ng mga ito kumpara sa kanya na laging nauuwi sa hiwalayan.

Dagdag pa niya, gusto rin daw niyang I-devote ang time niya sa kanyang mga magulang lalo pa’t nasa dapithapon na ang mga ito ng kanilang buhay.

Tungkol naman kay Lili, di raw niya bet na sumabak ito sa pag-aartista.

Gayunpaman, kung hilig daw nito ang pag-arte, wala raw naman siyang choice kundi suportahan ito sa kundisyong tatapusin muna nito ang kanyang pag-aaral. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here