Home ENTERTAINMENT Aiko-Onemig, engagement scripted?!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Aiko-Onemig, engagement scripted?!October 11, 2026 10:2110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hati ang mga reaksyon ng mga netizens sa ginawang proposal ni Onemig Bondoc sa nobyang si Aiko Melendez.Laman ito ng The Proposal vlog ng 90s heartthrob–kung saan kuha ang video sa Himlayang Pilipino.Yearly kasi’y dinadalaw ni Aiko ang puntod ng ama (Jimi Melendez), na araw din ng “Will you marry me?” offer ni Onemig.Pero usisa ng mga netizens: hindi ba scripted ‘yon?Kapansin-pansin kasi ang suot na lapel mic ng couple–as if ay reding-ready sila for the shoot.May tinawag pang “direk Tom” si Aiko–so, may blocking at instructions sa set?Sey ng isang diskumpyadong netizen: “Wala na. For the views lang ‘to!”Sabad ng isa: “For sure, naka-vlog ‘yan kaya naka-mic sila. Hirap n’yo pasayahin!”“Hayaan n’yo na. Ganoon talaga kahit harapan tayong niloloko. Scripted yarn!”Ano’ng reaksyon n’yo, Aiko at Uno? Ronnie Carrasco III