MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na magsisimula ang Senado sa deliberasyon nito ng proposed 2026 national budget sa Miyerkules, Oktubre 14.
Umaasa si Gatchalian na matapos na ng prosecution team ang presentasyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Martes, Oktubre 13.
“Yes,” ani Gatchalian.
Naipasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang proposed P7.2-trillion national budget, ngunit nakatanggap ng kritisismo mula sa ilang mambabatas dahil sa mga pagbabago sa alokasyon.
Inaprubahan ng Kamara ang P116 bilyon sa budget realignments.
Sa ilalim ng kautusan ng Kamara, ang panukala ay dapat sumailalim sa three-day period sa pagitan ng approval sa ikalawang pagbasa at ikatlong pagbasa nito.
Inaasahang aaprubahan ng Kamara ang proposed budget sa ikatlo at huling pagbasa bukas, Oktubre 12. RNT/JGC