Home NATIONWIDE Pope Leo sasailalim sa operasyon sa nakitang maliit na bukol sa baga

Pope Leo sasailalim sa operasyon sa nakitang maliit na bukol sa baga

1
0

VATICAN – Sinabi ni Pope Leo nitong Linggo, Oktubre 11 na nakakita ang mga doktor ng maliit na bukol sa kanyang baga sa isang kamakailang health check at sasailalim siya sa operasyon ngayong linggo para alisin ito.

Sinabi ng Santo Papa sa mga pilgrim sa St. Peter’s Square para sa kanyang lingguhang Sunday prayer na ang bukol ay “well-contained” at maagang natuklasan.

Hindi sinabi ng Vatican kung pinaniniwalaang malignant ang nodule.

“Recently, during some medical examinations, doctors found a localized nodule in my lung,” sabi ng Santo Papa.

“It was detected at a very early stage and is well contained.”

Ang nodule sa baga ay isang maliit at localized na sugat na maaaring benign.

Ayon sa American Thoracic Society, wala pang 5% ng mga lung nodules sa kabuuan ang nagiging cancerous, bagama’t tumataas ang panganib kasabay ng edad, laki, at iba pang salik tulad ng paninigarilyo.

Ang Santo Papa ay mahilig sa sports at hindi kilalang naninigarilyo o nagkaroon ng isyu sa kalusugan noon.

Nagpaabot naman ng pagbati si Italian Prime Minister Giorgia Meloni sa Santo Papa.

“I would like to express to the Holy Father my personal support, and that of the Italian government, as he faces this challenge in the coming days,” aniya sa isang pahayag.

“The serenity and composure with which he spoke about it during today’s Angelus are reassuring,” dagdag pa ni Meloni.

Sinundan ni Pope Leo ang yumaong si Pope Francis na unti-unting humina ang katawan at pumanaw sa edad na 88.

Sinabi ng Vatican press office na inaasahang aabutin ng halos isang linggo ang paggaling ni Leo mula sa operasyon.

Wala pa itong karagdagang detalye tungkol sa kalusugan ng Santo Papa.

Abala ang schedule ni Leo at nakatakda siyang magsagawa ng 11-araw na paglilibot sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6-17.

Bago banggitin ang kanyang isyu sa kalusugan sa kanyang talumpati nitong Linggo, binanggit ng Santo Papa ang biyahe, at pinasalamatan ang mga Katoliko para sa kanilang mga panalangin “for the pastoral visit I will undertake.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here