Home NATIONWIDE Barangay captain itinumba sa Sultan Kudarat

Barangay captain itinumba sa Sultan Kudarat

2
0

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang barangay captain ng Maguindanao del Norte sa Esperanza, Sultan Kudarat, nitong Linggo, Oktubre 11.

Ayon kay Maj. Jeffrey Lazaro, hepe ng Esperanza Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Datu Manalao Mangelen Nur Sr., chairperson ng Barangay Dados sa Datu Odin Sinsuat town.

Sakay si Nur ng itim na Nissan Navarra pickup at tinatahak ang Sultan Kudarat provincial road nang barilin ng dalawang hindi pa tukoy na suspek na magka-angkas sa motorsiklo bandang alas-11 ng umaga.

Patungo sa farm nito ang biktima sa Esperanza nang mangyari ang pag-atake.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kinondena naman ng Datu Odin Sinsuat Liga ng mga Barangay ang pag-atake kay Nur at nanawagan ng mabilis at patas na imbestigasyon.

“The loss of Chairman Nur is not only a great loss to his family but also to the people of Barangay Dados and the entire municipality,” saad sa pahayag.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pag-atake. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here