Home NATIONWIDE 4 na labor advisory kaugnay sa El Nino, ilalabas ng DOLE

4 na labor advisory kaugnay sa El Nino, ilalabas ng DOLE

3
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang maglabas ng apat na labor advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na buwan kaugnay sa papalapit na El Nino season.

Sa naging pahayag ni Labor Sec. Francis Tolentino, layunin nito na matiyak ang kapakanan ng mga manggagawa lalo na ang mga nabibilad sa sikat ng araw.

Pero aniya, ang ilalabas na labor advisories ay non-wage benefits.

Kabilang sa mga manggagawa na tinukoy ng kalihim ay mga traffic enforcer, construction worker, street sweeper at iba pa na ang trabaho ay nasa field o labas ng establisyimento.

Binigyang-diin ng kalihim na layon ng Labor advisory na mapangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa bunsod ng inaasahang matinding init ng panahon na nararanasan dulot ng El Nino.

“Hayaan natin sumilong ang mga security guards kapag main it sa labas. Hayaan natin ang mga nagtatrabaho sa construction industry na magpahinga muna kapag mataas na ang heat index,” sabi ng Labor chief.

Matatandaan na una nang pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na sundin ang mga safety protocol sa trabaho hinggil sa heat stress tulad ng sapat na bentilasyon, malinis na inuming tubig, pagbabago ng oras ng pahinga, at angkop na kasuotan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here