Home NATIONWIDE 89% ng mga Pinoy, interesado sa May 2028 national at local elections...

89% ng mga Pinoy, interesado sa May 2028 national at local elections – sarbey

2
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG 89% o halos 9% mula 10% ng mga Filipino ang interesado sa May 2028 national at local elections, ito ang makikita sa pinakabagong survey mula sa Pulse Asia.

Sa nasabing pigura, 57% ang ‘truly interested’ habang 31% ang ‘somewhat interested’ sa nasabing eleksyon, ayon sa resulta ng Ulat ng Bayan national survey ukol sa May 2028 elections na isinagawa ng Pulse Asia mula September 17 hanggang 24, 2026.

Mayroon namang 7% ang hindi makapagpahayag kung sila ay interesado o hindi, habang 4% ang disinterested — 3% ang ‘somewhat disinterested’, at 1% ang ‘truly disinterested’. ang makikita sa survey.

Sa kabilang dako, ang 2028 national at local elections ay idaraos sa May 8, wala pang dalawang taon mula noong isinagawa ang survey.

Nauna rito, sinabi ng Commission on Elections na matutuloy na 2028 elections.

Sa National Capital Region (NCR), 87% ang interested sa May 2028 elections, binubuo ng 57% ang truly interested at 31% naman ang somewhat interested.

Ang pigura ay halos kahalintulad ng Balance Luzon (natitirang bahagi ng Luzon, hindi kasama ang NCR) at Visayas. Sa Balance Luzon, 85% ng mga respondents ang interested, habang 89% naman ang interested sa Visayas.

Sa Mindanao, 97% ng mga respondents ang nagpahayag na sila ay interesado sa May 2028 elections, mayroong 82% naman ang truly interested at 15% naman ang somewhat interested.

Sa income classes, mataas ang may interest sa May 2028 elections.

Nakapagtala naman ng 88% sa hanay ng ABC classes, kung saan 59% ang truly interested, at 28% ang somewhat interested.

Sa hanay ng Class D, 89% ng mga respondents ang nagsbai na sla ay truly interested (56% truly interested, at 34% somewhat interested).

Sa Class E respondents, may 87% ang interested (69% truly interested, at 18% somewhat interested).

Sa kabilang dako, isinagawa ang Pulse Asia survey gamit ang face-to-face interviews sa 2,400 respondents na may edad na 18 taong gulang at pbaba.

Ang survey ay mayroong margin of error na ± 2% sa 95% confidence level.

Samantala, para sa geographical areas, ang pagtatantiya ng subnational ng margin of error ay 95% confidence level are: ± 4% para sa Metro Manila, natitirang bahagi n g Luzon, Visayas, at Mindanao. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here