Home IN PHOTOS BAYAN, Gabriela at iba pang grupo sanib-pwersa sa panawagan vs privatization, imperyalismo

BAYAN, Gabriela at iba pang grupo sanib-pwersa sa panawagan vs privatization, imperyalismo

3
0
Ang grupong BAYAN (Bagong Alyansang Makabayan), GABRIELA, at iba pang alyadong anti-imperyalistang organisasyon ay nagtipon sa University of Santo Tomas (UST) partikular sa kahabaan ng España Boulevard bago nagmartsa patungong Mendiola.Doon, nagsagawa sila ng aksyon at programa upang ilantad kung paano hinubog ng mga kondisyon ng pautang ng IMF-World Bank ang mga patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng maraming dekada.Kasama sa mga hakbang na ito ang privatization ng kuryente at tubig, deregulation ng industriya ng langis, liberalisasyon ng agrikultura, fleksibilisasyon ng paggawa, regresibong pagbubuwis sa pamamagitan ng VAT at excise taxes, at awtomatikong pagbayad ng utang—isang mekanismo na nagbigkis sa bansa sa walang katapusang pagbabayad sa mga imperyalistang bangko, kreditor, at institusyon. ERIC OCAPAN
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here