Home HOME BANNER STORY OFW reintegration act, sinertipikang urgent ni PBBM

OFW reintegration act, sinertipikang urgent ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahang bibilis ang pagpasa sa panukalang OFW Reintegration Act matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bersyon ng Senado, ayon kay Albay Rep. Adrian Salceda.

“Malaking bagay po ang certification ng Pangulo para matapos na natin ito sa Kongreso,” ani Salceda.

Layunin ng panukala na tulungan ang mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) na makabalik sa trabaho at magkaroon ng kabuhayan sa Pilipinas.

Noong Hunyo 30, 2025, unang araw ng 20th Congress, inihain ni Salceda ang House Bill No. 50 na naglalayong magtayo ng mga Balikbayani Center. Ang mga ito ay magsisilbing one-stop reintegration hub para sa mga umuuwing OFW at kanilang mga dependent. Isinama na ang panukala sa mas malawak na OFW reintegration measure.

Hiniling din ni Salceda sa Department of Migrant Workers (DMW) na magtayo ng mga Balikbayani Center sa mga pangunahing paliparan at iba pang port of entry upang agad na matulungan ang mga umuuwing manggagawa.

“Paglapag na paglapag po ng ating mga OFW, ready dapat tayong tanggapin sila at bigyan ng agarang suporta. Nasa airport pa lang, dapat may malinaw nang pupuntahan para sa trabaho, livelihood, at iba pang tulong na kailangan nila,” pahayag ni Salceda.

Ayon sa mambabatas, hindi na kailangang pumunta ng mga OFW sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang makakuha ng serbisyo dahil magiging iisa na ang kanilang pupuntahan.

“Marami sa kanila ang umuuwi after years of working abroad. Some come home because their contracts have ended; others because of displacement, conflict, or difficult circumstances. Whatever the reason, government has to be ready when they arrive,” giit niya.

Nagpasalamat din si Salceda kay Marcos sa pagbibigay ng agarang prayoridad sa panukala.

“Salamat po, Mr. President. Napakalaking tulong po nito sa ating mga OFW at kanilang mga pamilya. I filed the first House bill on OFW reintegration this Congress, and I am grateful that the President has given the measure urgency,” pagtatapos ni Salceda. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here