Home HOME BANNER STORY Impeachment trial ni VP Sara, itinigil muna mula Oct 14 hanggang Nobyembre...

Impeachment trial ni VP Sara, itinigil muna mula Oct 14 hanggang Nobyembre 9

3
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng buong linggong iskedyul ng paglilitis ang Senate impeachment court sa pagbabalik nito sa Nobyembre.

Magpapatuloy ang paglilitis sa Nobyembre 9 ng alas-10 ng umaga at matatapos sa bandang tanghali bago mag-convene ang Senado bilang legislative body, ayon kay presiding officer Francis “Chiz” Escudero.

Buong araw naman ang paglilitis sa Nobyembre 10, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.

Sa Nobyembre 11 ay mula alas-10 ng umaga hanggang tanghali ang paglilitis, habang may plenary session ang Senado sa hapon.

Buong araw din ang paglilitis sa Nobyembre 12, 13, 19 at 20, habang nakatakda ang paglilitis sa Nobyembre 23 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Holiday ang Nobyembre 23.

Sinabi ni Escudero na magpapasya ang korte sa iskedyul nito para sa Disyembre sa simula ng Nobyembre, depende sa bilang ng trial dates na hihilingin ng depensa.

Bago mag-break ang paglilitis, binawi ng prosekusyon nitong Martes ang tatlo sa apat na articles of impeachment at iniwan lamang ang alegasyon ng unexplained wealth.

Sinabi ni Escudero na may 26 na araw ang depensa mula ngayon para maghanda sa paglalahad ng ebidensya nito. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here