Home NATIONWIDE Media engagement, face-to-face communication palalawakin ng PCO

Media engagement, face-to-face communication palalawakin ng PCO

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na palalawigin nito ang pakikipag-ugnayan sa mga media organizations at stakeholders at palalakasin ang face-to-face communication upang matulungan ang mga filipino na mas lalong maintinidhan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.

Sinabi ni Newly appointed PCO Secretary Lino Cayetano na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa media at maghanap ng mas epektibong paraan para ihatid ang mga programa ng administrasyon sa mga filipino sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“We want to make sure it reaches the Filipino people,” ayon kay Cayetano, tinukoy ang mensahe ng administrasyon.

Sinabi pa nito na habang pinalawak ng digital platforms gaya ng TikTok, Facebook at YouTube ang naaabot ng media organizations, ang face-to-face communication ay nananatiling mahalaga sa epektibong public engagement.

Winika pa ni Cayetano na plano ng PCO na makapulong ang mga media practitioners at stakeholders upang marinig ang kanilang alalahanin,. tukuyin ang communication gaps at galugarin ang mga paraan para mapahusay ang paghahatid ng impormasyon ukol sa government programs.

Binigyang diin din nito ang kahalagahan na pakinggan ang publiko upang tumulong na tiyakin na ang government initiatives ay tugon sa pangangailangan ng mga tao.

“The most important thing to the President is to see if government is truly changing the lives of Filipinos,” ani Cayetano sabay sabing, binigyang din ni Pangulong Marcos ang pananaw ng gobyerno bilang intrumento ng makabuluhang pagbabago.

Sinabi pa ni Cayetano na “better communication and sustained public engagement could help improve the implementation of government programs and services.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here