Home NATIONWIDE Sub judice rule sa 3 inatras na impeachment article, inalis na ng...

Sub judice rule sa 3 inatras na impeachment article, inalis na ng Senate court

1
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Senate impeachment ang sub judice restrictions sa tatlong pormal na iniatras na impeachment articles laban kay Vice President Sara Z. Duterte, dahilan upang magkaroon na ng kalayaan ang prosecution at defense panel na talakayin ang mga ito sa publiko.

Inihayag ni Presiding Officer at Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi na sakop ng itinatakdang probisyon sa ilalim ng Rule 18 ang Article I, Isyu ng confidential funds

Article III:, Alegasyon ng bribery o suhol at Article IV, Mga banta sa buhay o grave threats.

Paliwanag ni Escudero, hindi na kailangang ilagay sa ilalim ng restriction ang tatlong probisyon dahil hindi na rin naman ang mga ito isusumite sa mga senator-judges para sa pinal na botohan.

“Accordingly, the prosecutors, the respondent, their respective counsels and witnesses may publicly address, explain and respond to any matter contained in those withdrawn articles,” paliwanag ni Escudero.

Dahil sa desisyon ng korte, malaya na ang magkabilang panig na ipaliwanag ang kanilang posisyon sa publiko hinggil sa mga iniatras na usapin.

Bagamat inalis ang sub judice rule, nilinaw ni Escudero na hindi ito nangangahulugang maaari nang isiwalat o ipagkalat ang mga confidential at sensitibong ebidensya.

Ipinag-utos din ng korte ang pagpapanatili at pag-iingat sa lahat ng rekord, kabilang ang mga testamento, pleadings, at exhibits na iniharap sa nagdaang mga pagdinig.

Atasan din ang Clerk of Court na uriin ang mga dokumento batay sa kung alin ang pwedeng ilabas sa publiko, lalagyan ng bawas o redactions, titingnan sa ilalim ng superbisyon, o pananatilihing nakatatak at sealed. Dagdag pa rito, lalagyan ng recipient-specific watermarks ang mga confidential documents na ipamamahagi sa mga awtorisadong indibidwal upang maiwasan ang leakage.

Samantala manabnatili naman na sakop ng sub judice rule ang Article II o ang unexplained wealth na syang reklamiong itutuloy ng prosekusyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here