BATAAN, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na umano’y bagong diskubreng street level individual (SLI) na tulak ng ipinagbabawal na droga, matapos makumpiskahan ang suspek ng ilang pakete ng suspected shabu at isang baril sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Samal, Bataan.
Sa ulat ni Samal Municipal Police Station Chief of Police Major Gary Lupian Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nadakip ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police.
Nasamsam sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 7.61 grams na may standard drug price ng higit P51,000, marked money sa buybust at isang kalibre 38 na baril at mga bala.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Dangerous Drug Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunition. (ROEL TARAYAO)