Home NATIONWIDE P94.8-M Lotto 6/42 jackpot, nasungkit ng solong mananaya sa Bulacan

P94.8-M Lotto 6/42 jackpot, nasungkit ng solong mananaya sa Bulacan

3
0

ISANG masuwerteng mananaya na bumili ng lotto ticket sa Bulacan ang solong nakasungkit ng P94.8 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi, Oktubre 13.

Batay sa resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng nag-iisang nanalo ang kabuuang jackpot prize na P94,813,839.57 matapos mahulaan ang winning combination na 42-05-15-26-19-40.

Nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa lalawigan ng Bulacan.

Samantala, walang nakakuha sa mas malaking jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na umabot sa P392,060,109.64.

Ang lumabas na winning combination sa nasabing draw ay 35-49-26-12-10-57.

Wala ring nakahula sa winning numbers na 04-46-36-40-22-20 sa Super Lotto 6/49, na may nakalaang jackpot prize na P46,413,143.33.

Dahil dito, nananatiling walang nanalo sa dalawang malalaking jackpot draw ng PCSO nitong Martes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here