Home HOME BANNER STORY Comelec: Barangay, SK elections sa Nob. 28, fake news!

Comelec: Barangay, SK elections sa Nob. 28, fake news!

3
0

MANILA, Philippines – WALANG magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 28, 2026, taliwas sa kumakalat na impormasyon sa social media, paglilinaw ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa poll body, minanipula ang isang infographic upang palabasing may nakatakdang special BSKE sa nasabing petsa.

Ipinaliwanag ng Comelec na ang orihinal na infographic ay tungkol sa special congressional election sa Batanes, hindi sa halalan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Ang special election sa Nobyembre 28 ay isasagawa upang punan ang nabakanteng puwesto sa Kamara matapos pumanaw si Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. noong Setyembre 21.

Binigyang-diin ng Comelec na walang nakatakdang barangay at SK elections sa Batanes o sa alinmang bahagi ng bansa sa nasabing petsa.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 24 ang Republic Act No. 12326, na nagpaliban sa BSKE mula Nobyembre 2, 2026 patungong Nobyembre 2028.

Sa ilalim ng batas, itinakda rin sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Pinaalalahanan ng Comelec ang publiko na huwag basta maniwala o magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon tungkol sa halalan at tiyaking mula sa mga opisyal na anunsyo ang kanilang pinagbabatayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here