Home IN PHOTOS Undas 2026 puspusan nang pinaghahandaan sa Manila North Cemetery

Undas 2026 puspusan nang pinaghahandaan sa Manila North Cemetery

3
0
Photo by Eric Ocapan

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Director Daniel C. Tan ng Manila North Cemetery kay Manila Hawkers Division Director Raffy Alejandro at Director Arnel Angeles ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang pag-usapan ang mga kinakailangang paghahanda para sa nalalapit na Undas 2026.

Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan

Kasunod nito, nagsagawa ng ocular inspection sa loob at paligid ng sementeryo upang masuri ang kahandaan ng lugar para sa pagdating ng mga pamilyang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Kabilang sa mga tinalakay ang seguridad, kahandaan ng mga serbisyong medikal at emergency response, paglalagay ng mga fire truck, pagtatalaga ng mga kapulisan, at maayos na paglalagay ng mga puwesto para sa mga manininda upang hindi makasagabal sa daloy ng mga bisita.

Sa pamamagitan ng maagang pagpaplano at koordinasyon sa mga kaugnay na tanggapan, patuloy na pinaghahandaan ng Manila North Cemetery, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang isang ligtas, maayos at organisadong paggunita ng Undas 2026 para sa lahat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here