Home NATIONWIDE PCG patuloy sa paghahanap sa nawawalang mangingisda sa Marinduque

PCG patuloy sa paghahanap sa nawawalang mangingisda sa Marinduque

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng search-and-rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard at disaster responders nitong Martes, Oktubre 13, para sa isang 54-anyos na mangingisda na nawawala matapos matagpuang walang laman ang kanyang bangka sa may Barangay Pinggan sa Gasan, Marinduque.

Inilunsad ng Coast Guard Sub-Station Gasan, katuwang ang Gasan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang paghahanap kay Melchor Guevarra matapos makita ang kanyang bangka na walang sakay sa baybayin sakop ng Sitio Catala sa Barangay Pinggan.

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na mag-report ng anumang impormasyon na makakatulong sa paghahanap kay Guevarra habang nagpapatuloy ang operasyon.

Maaaring pakipag-ugnayan sa Coast Guard Station Marinduque at Coast Guard Sub-Station Gasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here