MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng administrasyon na suportahan ang mga atletang Pinoy at palawigin ang sports development programs sa bansa habang mainit na tinanggap ng Chief Executive ang medal-winning fencers ng bansa sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa naging courtesy call ng Philippine Fencing Association (PFA) sa Kalayaan Hall, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng paghikayat sa mga kabataang Filipino na magpartisipa sa isport, tinukoy ang kanilang kontribusyon sa “physical, social at character development.
“For me, sport has become such an important part of the development of all our kids,” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno na i-promote ang mas malawak na partisipasyon sa isport, kabilang na ang fencing, upang bigyan ang mas maraming kabataang pinoy ng pagkakataon na i-develop ang kanilang abilidad at makipagkumpetensya sa mas mataas na antas.
“We need to have a more extensive program for people to participate in sports like fencing, any sport that they might be interested in,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Inalala naman ng Pangulo ang kanyang personal na karanasan sa fencing, ibinahagi niya na siya at ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta ay nag-aral ng isport noong kanilang kabataan, bagaman ang kanyang kapatid na si Irene ang mas nagpursige sa isport hanggang maging bihasa.
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang Pangulo sa lumalagong popularidad at competitiveness ng Philippine fencing, na aniya’y nakapag-produce ng kahanga-hangang resulta sa international competitions.
“Again, like I said, fencing is not traditionally a Philippine sport,” pointing to the achievements of the young medalists, ayon sa Pangulo.
Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng isport sa “developing discipline, teamwork, resilience and other values that athletes can carry throughout their lives.”
“There is no better place for you to learn discipline. There is no better place for you to learn camaraderie. There is no better place than to learn resilience,” ang tinuran ng Pangulo.
Gayundin, kinilala ng Pangulo ang sakripisyo ng mga magulang, coaches at iba pang support teams ng mga atleta, binigyang diin ang kahalagahan ng kanilang papel sa developing competitive Filipino athletes.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga batang fencers na manatiling committed sa kanilang pagsasanay at ipagpatuloy ang paghahangad ng kahusayan sa local at international competitions.
“The development of children, not only physical development, although that is of course very, very important, but the social development, the values development, if that comes from sport, is extremely advantageous,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa nasabing pagtitipon, nagpresenta ang PFA sa Chief Executive ng special gift kabilang na ang fencing saber at protective headgear.
Ipinakita pa ng Pangulo sa mga batang atleta kung paano hawakan ang saber, inalala nito ang kanyang familiarity sa isport.
Kinilala naman ng courtesy call ang kahanga-hangangng pagganap ng Philippine delegation sa 2026 Southeast Asian Fencing Federation Minime, Cadet and Junior Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan ang mga atletang pinoy ay nanalo ng 46 na medalya, kabilang ang 8 ginto, 12 pilak at 26 na tanso.
Ani Pangulong Marcos, ang lumalagong mga tagumpay ng mga atletang pinoy ay sumasalamin sa positibong resulta ng pagsisikap na i-promote ang sports participation sa mga kabataan.
“We are beginning to see the results of some of the champions that we are getting and some of the improvements that we are seeing,” ang winika ng Pangulo. KRIS JOSE