Home NATIONWIDE PBBM, nag-alay ng panalangin para sa mabilis, ganap na paggaling ni Pope...

PBBM, nag-alay ng panalangin para sa mabilis, ganap na paggaling ni Pope Leo

3
0

MANILA, Philippines – Nakiisa ang Pilipinas at ang sambayanang Pilipino sa pag-aalay ng panalangin para sa mabilis at ganap na paggaling ni Pope Leo XIV.

Si Pope Leo, 71, ay na-diagnose na may lung adenocarcinoma, may maliit na nodule sa baga nito.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Pangulo na umaasa ang sambayanang filipino na kagyat na magbabalik ang maayos na kalusugan ni Pope Leo at ang kanyang patuloy na pagpapala sa matapat na Katoliko.

“The entire Filipino nation joins the Catholic faithful around the world in praying for the swift and full recovery of His Holiness Pope Leo XIV,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We look forward to his return to good health and to his continued spiritual leadership, guidance and blessings for the faithful,” aniya pa rin.

Sa ulat, sumailalim sa operasyon si Pope Leo XIV para tanggalin ang bahagi ng kanyang baga. Kumpirmadong may isang uri ng lung cancer ang Santo Papa.

Nauna nang sinabi ng 71-anyos na papa na natuklasan ang bukol sa kaniyang kamakailang medical checkup at maaga itong nakita. Hindi pa malinaw kung benign o malignant ang naturang bukol.

Inaasahang mananatili sa ospital si Pope Leo nang halos isang linggo habang nagpapagaling.

Kinansela rin ang kaniyang mga pampublikong aktibidad hanggang Oktubre 20. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here