Home METRO ‘Gangster’ na wanted sa Bulacan nasukol sa Cagayan

‘Gangster’ na wanted sa Bulacan nasukol sa Cagayan

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang lalaking wanted na umanoy iniuugnay sa Diamla Criminal Gang sa Cagayan nitong tanghali ng Oktubre 14.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Offoce (BPPO, kinilala ang wanted na ganster na si alyas “Ulo”.

Ayon sa ulat, isinagawa ang intelligence-driven manhunt operation ng Tracker Team ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), katuwang ang Bocaue police at PIU/PDEU ng Regiona Office 2 at Cagayan Police Provincia Office bandang 12:30 ng tanghali sa Brgy. Newagac, Gattaran, Cagayan.

Nabatid na ang WOA sa kasong paglabag sa Republic Act. No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na inilabas noong Setyembre 16, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 9, Malolos City, Bulacan na may piyansang P72,000.00.

Isinailalim ang suspek sa pisikal na pagsusuri sa Bulacan Medical Center bago dalhin sa tanggapan ng PIU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

“Ang pagkakaaresto ng akusado ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng BPPO na tiyakin na walang sinumang nagtatago sa batas ang makalilgtas sa pananagutan,” ani PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng BPPO. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here