BULACAN, Philippines — Nasunog ang roof deck ng bagong gusali ng Malolos City Hall nitong umaga, Oktubre 16, at agad ding naapula matapos ang 17 minutong operasyon ng mga rumespondeng bumbero.
Ayon sa ulat, nagsimula ang pagtugon sa sunog nang dumating ang mga emergency responder dakong alas-10:58 ng umaga. Idineklarang kontrolado ang sunog alas-11:01, tatlong minuto matapos ang kanilang pagdating, at tuluyan itong naapula alas-11:15.
Tatlong fire truck mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang rumesponde, kasama ang tig-isang fire truck mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang walang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente. RNT/MDS/Dick Mirasol III







