Home NATIONWIDE Pagkumpara kina PBBM, VP Sara ‘di patas – Barbers

Pagkumpara kina PBBM, VP Sara ‘di patas – Barbers

3
0

MANILA, Philippines — Nagbabala si dating Surigao del Norte Representative at impeachment spokesperson Robert Ace Barbers sa publiko at mga survey firm laban sa paghahambing kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa mga survey na tila itinuturing silang magkaribal.

Ayon kay Barbers, hindi patas at maaaring makalito ang ganitong paghahambing dahil magkaiba ang responsibilidad ng Pangulo at Bise Presidente.

“President BBM has a whole lot of different responsibilities compared to the VP. It is like comparing apples and oranges,” pahayag ni Barbers.

Aniya, ang Pangulo ang may pangunahing pananagutan sa pang-araw-araw na pagpapasya ng pamahalaan, popular man o hindi ang mga desisyon, at sa kaniya nakasalalay ang direksyon ng bansa.

“He may have an entire cabinet and agency heads who advise him, but the ultimate decisions rest solely on him and he alone bears the responsibility and the consequences,” dagdag niya.

Iginiit ni Barbers na sa kasalukuyan ay wala umanong opisyal na tungkulin si VP Sara na katumbas ng bigat ng pananagutan ng Pangulo sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Binigyang-diin niya na hindi pangunahing layunin ng Pangulo ang maging popular o makakuha ng boto, kundi tiyakin ang katatagan ng ekonomiya at pulitika para sa kapakanan ng mamamayan.

Dahil dito, hinimok ni Barbers ang publiko na suriing mabuti ang mga impormasyong lumalabas, lalo na ang mga maaaring magpalala ng pagkakahati-hati. Sa halip na magpasiklab ng tensyon, nanawagan siyang magkaisa ang mga Pilipino para sa kapayapaan at pag-unlad ng bansa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here