Home NATIONWIDE Josh Aquino, ipinagtanggol ni Bam vs pangungutya sa podcast

Josh Aquino, ipinagtanggol ni Bam vs pangungutya sa podcast

1
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senador Bam Aquino ang pangungutya sa kanyang pamangkin na si Josh Aquino ng isang podcast, ang Machong Chismisan, sa ABS-CBN Podcast Network kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Aquino, pinsan ni Kris Aquino, na walang karapatan ang sinuman na laitin o magmaliit sa taong may kapansanan na pawang labag sa batas.

Aniya, ang totoong macho, hindi minamaliit ang mga taong may kapansanan.

“Sina Josh, si Bimby, napakabait nila. Good, good Filipinos, they’re good kids,” aniya bilang pagtatanggol sa mga pamangkin.

Giit pa ng senador na “walang karapatan ang sinumang tao na magmaliit sa mga taong may kapansanan. That’s very clear.”

“Nakita naman natin sa dami ng mga tao na nagsalita para rin sa kanila, klaro naman sa mga Pilipino na hindi pa dapat namemerwisyo ng mga taong may kapansanan. That’s basic sa ating bansa,” aniya.

Sinabi pa ng senador na hindi lang para kay Josh pero sa lahat ng mga taong may kapansanan.

“Kaya suportahan natin sila and show them na lahat ng maibibigay natin, ibibigay natin sa kanila,” aniya.

Kamakailan, tuluyan nang tinuldukan ng ABS-CBN Podcast Network ang kontrata ng Machong Chismisan na umani ng pagbatikos hindi lamang sa mga may kaanak na may kapansanan kundi sa netizen at ilang mambabatas. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here