Home NATIONWIDE OFWs sa France, Israel, Saudi, pinag-iingat ni Tulfo vs kaguluhan sa lugar

OFWs sa France, Israel, Saudi, pinag-iingat ni Tulfo vs kaguluhan sa lugar

3
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ni Senate Foreign Relations Committee Vice Chairman Senator Erwin Tulfo ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa bansang France, Saudi Arabia at Israel dahil sa mga kaguluhan sa mga nasabing lugar.

Sa isang press statement, sinabi ng senador na dapat umiwas ang ating mga kababayan sa malawakang kilos-protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris.

“Doble ingat po sa ating mga kababayan dyan sa France lalo na pagpapasok sa kanilang trabaho dahil sa malawakang riots at looting,” ani Tulfo.

“Sa mga nasa Saudi naman, maging mapagmanman at makinig sa mga balita bago pumasok sa trabaho dahil bigla na lang binobomba ng Iran at kaalyado nitong mga Houthis ang naturang bansa tulad ng nangyari sa King Khalid airport sa Riyadh kung saan pitong OFWs ang nasugatan,” dagdag pa ni Tulfo.

Pinag-iingat din ni Sen. Tulfo ang mga OFW sa Israel na hangga’t maaari umiwas na magtungo sa West Bank dahil sa pag-atake ng ilang Israeli settlers na nakamaskara sa ilang foreigners.

Hinimok din ng senador ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga OFW at ng kanilang mga naiwang pamilya sa bansa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here