Home OPINION TAHIMIK NA TRABAHO SA MALIGALIG NA LIPUNAN

TAHIMIK NA TRABAHO SA MALIGALIG NA LIPUNAN

1
0

HABANG inililigtas ang mga biktima ng trahedyang dulot ng baha, lindol, at sunog, may ilan namang mas abala sa pulitika kaysa sa ng tulong at malasakit?

Ang mga Pilipinong stranded sa ibang bansa na ang tanging dasal ay makauwing buhay at ligtas, may ilan namang hindi pa rin mapigilan ang gawing entablado ng pulitika ang isang usaping dapat sana’y makatao.

Sa panahong ang bawat minuto ay mahalaga para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, nakalulungkot na may mga mas abala pa sa batikos, intriga, at paninira kaysa sa aktwal na pagtulong.

Ang repatriation o paglikas na mga tao ay hindi dapat gawing palabas. Hindi ito dapat gawing paligsahan kung sino ang unang nagpa-press release, sino ang may pinakamagandang larawan, o sino ang pinakamalakas mag-angkin ng kredito.

Ito ay tungkol sa buhay ng tao at sa pamilyang nagsakripisyo ng buhay . Tungkol ito sa mga overseas Filipino worker na sa loob ng maraming taon ay nagsakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay at para sa ekonomiya ng bansang matagal nilang pinagsilbihan kahit malayo man sila rito.

Sa gitna ng lahat ng ito, kapansin-pansin ang tahimik ngunit seryosong pagkilos ng Department of Migrant Workers sa pamumuno ni Secretary Hans Leo Cacdac Jr . Habang ang ilan ay abala sa opinyon at pagpaiingay sa media, ang DMW ay nakatutok sa mas mahalagang misyon

At marahil, iyan ang mas dapat pahalagahan ng publiko at hindi impeachment issue o mga mapanirang trabaho na nakakasira sa pagkatao ng ating Pangulong Bongbong Marcos.

Hindi ang pulitikang maingay, kundi ang serbisyong tahimik ngunit epektibo. Sa panahon ng krisis, hindi kailangang laging may kamera para patunayang may ginagawa. Hindi kailangang may entablado para ipakitang may malasakit. Ang tunay na serbisyo publiko ay nasusukat hindi sa dami ng pahayag, kundi sa dami ng buhay na nailigtas.

Sa huli, ang tunay na laban ay hindi lamang kung sino ang mas maingay sa kamera o mas mabilis maglabas ng pahayag. Ang mas mahalaga ay kung sino ang tunay na kumikilos para sa kapakanan ng Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here