ITO ang sinasabing GRAND PLAN ng mga kalaban ni Vice President Sara Duterte.
Matapos lumabas ang pinakahuling presidential survey na nagpapakitang nangunguna pa rin si VP Sara at napananatili ang mataas na trust rating, tila hindi nagtatagumpay ang impeachment process sa layuning pabagsakin ang kanyang popularidad.
Ang impeachment trial ay mistulang isang CONSPIRACY laban sa bise presidente.
Walang sapat na 16 na boto? Ang remedyo, ibaba ang voting threshold. Kung kulang pa rin ang numero, takutin o pangakuan ang mga senador upang lumipat ng panig. Kapag tumanggi, kasuhan at ipakulong.
Mahina ang ebidensya? Palakasin sa pamamagitan ng political optics, habang ang mga kaalyado sa media ang bahalang humubog sa opinyon ng publiko.
Pero paano kung talagang nais siyang makulong? Kapag hindi na bise presidente si Sara, maaari siyang kasuhan ng PLUNDER, ayon sa sinasabing plano. Kapag naisampa ang kaso, irekomenda ang NO BAIL at ipaaresto sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation upang tuluyang makulong.
Ngunit paano kung ang tatakbo sa pagkapangulo ay si Mayor Baste Duterte? Aba’y malaki ang posibilidad na manalo sa 2028.
Simple lamang ang susunod na hakbang, ayon sa alegasyong ito na gawin ang ginawa sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections—baguhin ang petsa ng halalan sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, mula sa ikalawang Lunes ng Mayo 2028 tungo sa petsang nanaisin ng mga nasa kapangyarihan.
Kung gayon, hindi na lamang impeachment ang usapin kundi ang posibilidad ng paggamit sa mga proseso ng pamahalaan upang hadlangan ang mga kalaban sa pulitika.
Dapat tandaan na ang mga ito ay mga alegasyon at haka-hakang pampulitika na nangangailangan ng matibay na ebidensya. Ang impeachment, pagsasampa ng kasong kriminal, at pagbabago ng petsa ng halalan ay dapat umayon sa Konstitusyon at umiiral na batas.
Sa 2028, No Sara, No Election?
Kung ito nga ang tunay na direksyon ng mga pangyayari, dapat maging mapagmatyag ang taumbayan. Hindi dapat manaig ang pansariling interes ng sinumang politiko laban sa demokrasya at karapatan ng mamamayang pumili ng kanilang mga pinuno.






