Home OPINION ATAT NA ATAT MAGING VICE PRESIDENT

ATAT NA ATAT MAGING VICE PRESIDENT

4
0

TILA meron nang atat na atat na papalit kay Vice President Sara Duterte…kung tuluyang masibak ito sa pwesto sa bisa ng minaniobra umanong minimum na boto ng mga senator-judge para ideklara itong nagkasala sa kasong impeachment at pagmamadali ng prosekusyon at ilang senator-judge na tapusin ang paglilitis.

Minaniobra dahil hindi na 16 ang minimum na kinakailangang boto o 2/3 ng lahat ng 24 senador kundi 14 na nakabatay lang sa 20 nakadadalo sa paglilitis para manibak.

Minamadali rin umano ang pagsibak sa pamamagitan ng pag-atras ng tatlong kaso sa impeachment at pagtitira ng isa rito upang hindi maabutan ng posibleng desisyon ng Supreme Court na 16 boto na mahirap abutin ng anti-VP Sara na senator-judges.

Tandaang hindi pa ibinabasura ng SC ang petisyon nina Senator-Judges Bong Go at Robin Padilla at iba pa na humihiling ng 16 boto at nagpababasura naman sa 14 boto.

Ngayon sino-sino naman kaya ang mga atat na atat na papalit kay VP Sara?

Hindi malinaw ito, mga brad, dahil kaiba ito sa tadhana ng 1987 Konstitusyon na kung mawala sa pwesto ang Pangulo, awtomatikong papalitan siya Pangalawang Pangulo at magsisilbi itong Pangulo hanggang matapos ang termino para rito. (Article VII, Section 8)

Ang Article VII, seksyon 9 naman ang batas sa pagpapalit ng mawawalang Bise Presidente na nagsasabing, “Kailanman mababakante ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa loob ng terminong pinaghalalan sa kanya, dapat magnomina ang Pangulo ng isang Pangalawang Pangulo mula sa mga Miyembro ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan na uupo sa katungkulan matapos kumpirmahin ng mayoryang boto ng lahat ng Miyembro ng dalawang Kapulungan ng Kongreso, na magkahiwalay na boboto.

Klarong manggagaling sa Senado at Kamara ang inonomina ng Pangulo at pinalulutang ang ngalan nina Senate President Win Gatchalian, impeachment court Presiding Office Chiz Escudero, House Speaker Bojie Dy at iba pa.

Nosi balasi ba silang atat na atat na papalit kay VP Sara? Bakit?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here