MANILA, Philippines – Tinalakay ng Senado nitong Miyerkules ang serye ng mga panukalang naglalayong palakasin, protektahan at palawakin ang industriya ng pelikula at iba pang creative sectors sa bansa.
Pinangunahan ni Sen. Robinhood Padilla ang pinagsamang pampublikong pagdinig ng Senate committees on Public Information and Mass Media, Culture and the Arts, Tourism, Ways and Means, at Finance sa Senado sa Pasay City.








