Home NATIONWIDE Kiko binalaan DA sa late ayuda sa mga magsasaka: Aanhin pa ang...

Kiko binalaan DA sa late ayuda sa mga magsasaka: Aanhin pa ang damo kung patay na kabayo?

5
0
📷 Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nagbabala si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan laban sa pagkaantala ng ayuda at iba pang suporta sa mga magsasaka at mangingisda habang nahaharap ang bansa sa lumalalang epekto ng El Niño.

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” babala ni Pangilinan sa pagdinig ng Senate Committee on Finance nitong Miyerkules, Oktubre 21, kaugnay ng panukalang 2027 budget ng Department of Agriculture (DA).

📷 Cesar Morales

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangang maihatid agad ang tulong bago pa tuluyang maapektuhan ang kabuhayan at produksyon ng mga magsasaka at mangingisda.

Batay sa datos ng pamahalaan, umabot na sa ₱6.87 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng El Niño.

Tinataya rin ng DA na maaaring mabawasan nang humigit-kumulang 700,000 metric tons ang produksyon ng palay dahil sa matinding tagtuyot.

Inaasahang magpapatuloy ang epekto ng malakas na El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027, dahilan upang paigtingin ng pamahalaan ang mga programa para sa irigasyon, ayuda, binhi, abono at iba pang intervention sa mga apektadong lugar.

Hinimok din ni Pangilinan ang pamahalaan na ikonsidera ang pagdedeklara ng national state of calamity upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo at tulong para sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor na apektado ng tagtuyot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here