Home OPINION WALANG ‘PARLIAMENTARY IMMUNITY’ SA DISBARMENT

WALANG ‘PARLIAMENTARY IMMUNITY’ SA DISBARMENT

1
0

DAPAT seryosohin ang pahayag ni ex-Associate Justice Noel Tijam laban sa pag-atras ng prosekusyon ng kanilang mga kaso sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte makaraang idaan ang mga ito sa buong paglilitis ng Impeachment Court o IC.

Basta na lang iniatras ng prosekusyon ang Article (maling paggamit ng confidential funds) at Article IV (grave threats/inciting sedition) na parehong dumaan sa buong paglilitis, kasama ang Article 4 (bribery) na hindi nilitis maliban lang ang Article 2 (hindi maipaliwanag na yaman) na nilitis na rin nang buo.

Ayon kay Tijam, pupwedeng ituring na may mistrial na magbubunga ng maagang paglabas ng desisyon ng impeachment court anomang araw nang hindi na kailangang dinggin ang panig ni VP Sara ngunit walang deklarasyong guilty o inosente ito.

Gayunman, hindi naging malinaw kung pupwedeng isama sa mistrial ang Article 2.

Bukod sa posibilidad ng mistrial na naging hinaing na rin ni lead defense counsel Atty. Shiela Sison, sinabi pa ni Tijam na posibleng masibak sa abogasya ang mga sangkot sa pag-atras ng mga kasong dininig na.

Una, seryosong paglabag umano sa due process at constitutional justice ang pag-atras makaraan ang buong paglilitis.

Ikalawa, gayundin na binaboy umano ang due process o patas na paglilitis nang payagan ng IC ang pag-atras nang hindi na binigyan si VP Sara nang pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Diin ni Tijam, walang parliamentary immunity ang mga abogadong kongresman na pasimuno ng pag-atras ngunit hindi naging malinaw kung masasama sa kasong disbarment ang mga private prosecutor.

Hindi rin naging malinaw kung pupwedeng isama sa kasong disbarment ang mga abogadong senador nag-apruba sa pag-atras.

Ang sibakan sa pagkaabogado ang isang nilalaman ng Code of Professional Responsibility and Accountability.

Ano kaya ang iniisip gawin ng depensa kaugnay ng pahayag ni Tijam?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here