Home NATIONWIDE Pope Leo balik sa popemobile; di na kailangan ng dagdag na cancer...

Pope Leo balik sa popemobile; di na kailangan ng dagdag na cancer treatment

1
0

VATICAN CITY — Muling humarap sa publiko si Pope Leo XIV sa St. Peter’s Square nitong Miyerkules, walong araw matapos sumailalim sa operasyon dahil sa lung cancer, habang kinumpirma ng kanyang mga doktor na hindi na niya kailangan ng karagdagang cancer treatment.

Sakay ng open-air popemobile, kumaway at bumati ang 71-anyos na Santo Papa sa mga pilgrim at nagbasbas ng mga sanggol bago pangunahan ang kanyang unang weekly general audience mula nang operahan noong Oktubre 13.

Inalis sa operasyon ang lower lobe ng kanang baga ni Pope Leo matapos siyang ma-diagnose ng lung adenocarcinoma.

Ayon sa kanyang mga doktor, kinumpirma ng final histological examinations at molecular biology analyses na nanatiling localized ang sakit.

“A subsequent oncological evaluation has confirmed that no further therapy is required,” ayon kina lead surgeon Stefano Margaritora at personal physician Luigi Carbone.

Na-discharge ang Santo Papa mula sa Gemelli Hospital noong Oktubre 17 at unti-unti nang bumabalik sa kanyang mga tungkulin sa Vatican.

Sa kanyang general audience, pinasalamatan ni Pope Leo ang mga mananampalataya para sa kanilang suporta at panalangin.

“Thanks be to God for his generosity,” sinabi ng Santo Papa habang hinihikayat ang mga dumalo na patuloy na magtiwala sa kabutihan at awa ng Diyos.

Tumagal nang humigit-kumulang 50 minuto ang audience at nagsalita si Pope Leo sa malinaw na boses.

Gayunman, patuloy na inaayos ang kanyang schedule habang nagpapagaling.

Nakatakda sana siyang bumisita sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17.

Sinabi ng kanyang surgeon na walang clinical reason na hahadlang sa kanyang pagbiyahe, ngunit ipinahiwatig ng Vatican na maaaring kailanganing bawasan o baguhin ang kanyang schedule upang bigyan siya ng sapat na panahon para makarekober. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here