MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Navy ang isang mangingisda matapos maistranded sa dagat sa Occidental Mindoro ng siyam na araw.
Ayon sa Philippine Navy, namataan ng Naval Command West through BRP Ramon Alcaraz (PS41) ang mangingisda na humihingi ng tulong sa kanilang maritime patrol mission sa bisinidad ng Cape Calavite alas-5 ng hapon.
Agad na nagpaabot ng tulong ang barko ng Navy.
Napag-alaman na naistranded ng siyam na araw sa dagat ang 31-anyos na mangingisda mula Occidental Mindoro matapos pumalya ang makina ng bangka nito.
Tubig-dagat lamang ang ininom ng mangingisda sa loob ng mga araw na nasa gitna ng dagat.
Agad na nakatanggap ng medikal na atensyon ang biktima kabilang ang blood pressure monitoring at oral rehydration salts kontra dehydration.
Ligtas din na nadala sa pampang ang bangka. RNT/JGC