Home NATIONWIDE Defense team ni VP Sara mahihirapan sa ebidensyang ipinresenta – Barbers

Defense team ni VP Sara mahihirapan sa ebidensyang ipinresenta – Barbers

2
0

MANILA, Philippines – Malaking pagsubok para sa defense team ni Vice President Sara Duterte na pabulaanan ang mga ebidensya na ipinresenta ng House prosecution panel, ayon kay prosecution spokesperson Ace Barbers nitong Sabado, Oktubre 24.

Inilatag na ng prosecution panel ang mga ebidensya kaugnay sa nalalabing article of impeachment kaugnay sa umano’y unexplained wealth.

Iginiit ni Barbers na ang kanilang ebidensya, kabilang ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, ay mula sa mga ahensya ng pamahalaan at hindi maaaring manipulahin o baguhin.

“We are confident that we can secure a conviction. Bakit? Du’n po sa aming nailatag na ebidensya, matibay at malakas po ang aming paniwala na itong mga ebidensiyang ito ay sumusuporta du’n sa aming alegasyon,” sinabi ni Barbers.

“Isang malaking challenge para sa defense na i-rebut ito at ito ay pasinungalingan dahil kung legal ang mga basehan ng pagkuha nitong mga dokumentong ito, I don’t see kung saan pa papasok ang rebuttal o ang pag-dispute dito ng defense,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here