Home NATIONWIDE ITCZ nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Mindanao

ITCZ nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Mindanao

3
0

MANILA, Philippines – Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang kanlurang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Basilan, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa northeasterly windflow.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here