MANILA, Philippines – Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang ilang paaralan, lungsod at bayan sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng mga pagdami ng mga estudyanteng nagkakasakit, mga karahasan, at aktibidad sa pamahalaang panlalawigan.
#WalangPasok ngayong Lunes, Oktubre 26 sa mga sumusunod na lugar:
Philippine Science High School-Main Campus: All classes, suspendido hanggang bukas, Oktubre 27. Online learning naman ang ipatutupad mula Miyerkules hanggang Huwebes.
Cotabato City: Suspendido ang face-to-face classes at all levels mula Oktubre 26 hanggang 31. Ito ay bilang paghahanda sa inaugural session ng 1st Bangsamoro Regular Parliament.
Lemery, Batangas: Work at class suspension. Special Non-Working Day bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Bayan ng Lemery.
Lapu-Lapu City, Cebu:
Walang face-to-face classes hanggang Oktubre 30, 2026 para sa ipatutupad na 20th ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at 13th ADMM-Plus para sa mga piling paaralan.
Saklaw nito ang mga pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya sa mga barangay ng Ibo, Buaya, Mactan, at P. Engaño, gayundin ang mga sumusunod na pribadong paaralan at kolehiyo:
Private school:
Sto. Niño International School
EMD Carmelite School Foundation
Jose Alwins Learning School
B Cebu Dream Foundation, Inc.
Cebu International Language TVI Center
Global Leaders International School
Newtown School of Excellence
St. Joseph’s School of Mactan
Sto. Niño Child Academy
Colleges
Lapu-Lapu City College
Lapu-Lapu Cebu International College
Sto. Niño Mactan College
I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong balita. RNT/JGC