Home NATIONWIDE Permit sa mga photographer sa Intramuros, inalis na ng DOT

Permit sa mga photographer sa Intramuros, inalis na ng DOT

4
0

MANILA, Philippines – MAAARI nang gumamit ang mga photographers ng professional cameras para sa kanilang personal at souvenir photography sa Intramuros, Manila, kahit pa walang permit.

Sinabi ng Department of Tourism (DOT), sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng Intramuros Administration at CameraHaus, layon ng inisyatiba na gawing “more accessible” ang heritage photography at hikayatin ang mga photographers na ikuwento ang makasaysayang Intramuros, sa pamamagitan ng kanilang mga lente.

Pinaalalahanan naman ng DOT ang mga photographers na sumunod sa site guidelines, gaya ng pagbabawal sa flash photography sa ilang lugar, protektahan ang makasaysayang istrktura at museum collections.

“To promote photography in Intramuros, the inaugural Street Summit brought more than 300 photographers, content creators, and visual artists for a community photowalk on Saturday,” ayon sa ulat.

May temang “Intramuros Reframed,” hinikayat ng summit ang mga participants na tingnan ang Walled City sa pamamagitan ng “fresh eyes and capture its lesser-known corners.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here