Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa yellow alert

Visayas grid isinailalim sa yellow alert

1
0

MANILA, Philippines – Ilalagay sa yellow alert ang Visayas power grid ngayong Lunes, Oktubre 26 dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nakataas ang yellow alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Ang Visayas grid ay kasalukuyang tumatakbo sa 2,689 megawatts (MW) capacity laban sa peak demand na 2,473 MW.

Tinukoy ng NGCP ang mga dahilan sa pagdeklara ng yellow alert sa Visayas grid:

Unavailability ng malalaking coal plants ng Visayas na TVI 1 at KSPC 1
Limited power import mula sa Mindanao grid dahil sa unavailability (planned outage) ng GNPK 4 at TSI 2.

Idinagdag pa na 12 planta ang naka-forced outage ngayong Oktubre, dalawa mula Setyembre, dalawang planta mula Agosto, isang planta mula Hunyo, tatlong planta mula Mayo, tatlo mula 2025, isa mula 2024, dalawa mula 2023, at isang planta mula 2021 habang 16 na planta ang tumatakbo sa derated capacity.

Ang mga outage at derated capacities ng mga planta ay nagresulta sa kabuuang 650.3 MW unavailable sa Visayas grid.

Itinataas ang yellow alert kapag ang operating margin ay kulang para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here