Home NATIONWIDE Lalaking armado ng ‘desabog’, nag-amok; nadamba ng mga parak sa Bulacan

Lalaking armado ng ‘desabog’, nag-amok; nadamba ng mga parak sa Bulacan

2
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking may dalang improvised firearm na nag-amok sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Oktubre 25.

Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, Acting Chief of police ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Noel”, 49, construction worker at residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang istasyon ng ulat mula sa Tanod bandang 10:45 ng umaga hinggil sa isang armadong lalaki na nagdudulot ng takot sa komunidad sa Del Monte road ng nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa mamataan ang suspek na hayagang may hawak na baril kaya nila ito inaresto at ipinaalam rin ang kanyang mga karapatang konstitusyonal bago dalhin sa ospital para sa medical examination.

Nasamsam sa suspek ang isang improvised firearm o “sumpak” na kargado ng live ammunition na kalibre 12-gauge shotgun.

Sinasabing isang concerned citizen ang humingi ng saklolo sa opisyal ng barangay na may nag-aamok sa lugar na agad humingi ng tulong sa mga pulis kaya ito tuluyang nahuli.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here