Home OPINION KORAPSYONG WALANG PUKNAT, BAGSAK NA PISO, EKONOMIYANG BAGSAK

KORAPSYONG WALANG PUKNAT, BAGSAK NA PISO, EKONOMIYANG BAGSAK

3
0

ANYARE na sa Pilipinas kong mahal?

Nagkakandahetot-hetot naman na yata lahat habang nagtatagal ang panahon.

P63.60 LABAN SA DOLYAR

Habang tinitipa natin ito, mga Bro, bumagsak ang halaga ng piso sa P63.60 kumpara sa 1 US dollar mula sa P62.38 lang noong Agosto 2026.

Dahil dito, magmamahal ang lahat ng bilihin at serbisyo at pinalala pa ng napakamahal na krudo.

Tingnan ninyo. Dahil sa mababang halaga ng piso, kailangan ng Pinas ang mas marami nito na pambili ng dolyar para pambili ng krudo na napakamahal at umaabot na sa $110 kada bariles.

Pagdating sa Pilipinas ng langis bilang krudo o mga produktong petrolyo gaya ng diesel, gasolina at kerosene, napakamahal na.

Ipinapatong naman ng mga manufacturer, motorista at trader ito sa presyo ng lahat ng kanilang produkto at serbisyo para makabawi at kumita na rin at ang end-user o taumbayan ang makararanas ng mahal na presyo.

Kaya, kasama na sa nagmamahal ang bigas at iba pang pagkain at mga serbisyog elektrisidad, tansportasyon at tubig.

Pangunahing biktima rito ang mga isang kahit, isang tuka at milyon-milyong umaasa lang sa pagbebenta ng lakas paggawa at walang ibang mapagkakitaang iba.

Pabor man ang bagsak na piso sa pamilya-overseas Filipino workers, natatamaan din sila ng mahal na mga bilihin at serbisyo.

BAGSAK NA EKONOMIYA

Bukod sa krisis sa presyo ng mga bilihin at serbisyo na likha ng mababang halaga ng piso at mahal na ring langis, mga Bro, lalong mawawalan o mababawasan ang gobyerno ng pondong pangserbisyong bayan na ikababagsak ng ekonomiya.

Ito’y dahil lalaki rin ang halaga ng pambayad ng gobyerno sa utang sa loob at labas ng bansa na umaabot na sa nasa P2 trilyon taon-taon na malaking kabawasan sa P7.2 triyong badyet ng Pilipinas sa taong 2027.

Mabuti sana kung ang utang ay ganap na ginagamit para sa serbisyong bayan sa anyo ng mga produktibong mga programa at proyekto na kapaki-pakinabang sa taumbayan.

Ang siste, malaking halaga ang pinagkokorap dito gaya ng mga inilalaan sa flood control projects at napatunayan ito mismo ng Supreme Court sa mga taong 2024, 2025 at 2026.

Inulit ang pambababoy sa pondong bayan sa pagsingit ng P190 bilyon ng mga kongresman para sa kanilang proyekto gaya ng farm-to-market roads na matatagpuan pala sa mga dagat sa Philppine Rise, Celebes Sea at Brunei gaya ng nabuking sa Senado.

Paanong hindi babagsak ang ekonomiya kung ninakaw ang pondong bayan at walang maitatayong matinong proyekto at programa para sana magkabunga at kapaki-pakinabang sa higit na nakararami?

WALA NANG MAGNENEGOSYO

Dahil sa bagsak na piso at masasamang bunga nito, anak ng tokwa, iniiwasan na umano ng mga dayuhan ang maglagak ng puhunan sa bansa.

Hinahaluan pa ito ng pagkapit-tuko sa pwesto ng mga korap habang hinaharang at ipinabiblanggo nila ang mga makapaghahatid sana ng magandang pamamahala sa gobyerno at lipunan.

At dahil walang pag-unlad ng pagnenegosyo sa Pinas, walang matinong empleyo at hanapbuhay at mas gusto pa ng milyon-milyong matatalino, masisipag at malalakas na obrero at propesyunal na lumabas ng bansa at doon maghanapbuhay na siya namang ikinauunlad ng ibang mga bansa at hindi ng Pinas.

Saang bangin kaya tayo babagsak niyan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here