MANILA, Philippines – Tinapos na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga panayam sa mga kandidato para sa posisyon ng punong mahistrado ng Korte Suprema (SC).
Humarap sa JBC ang ikalawang batch ng mga kandidato na kinabibilangan nina Associate Justice Rodil Zalameda, Associate Justice Japar Dimaampao at Associate Justice Midas Marquez.
Nauna namang kinapanayam noong Oktubre 22 sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justice Benjamin Caguioa.
Isusumite ng JBC kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng mga nominado para sa posisyon.
Magkakaroon ng bakante sa puwesto matapos ang sapilitang pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, sa edad na 70. RNT/MDS