MANILA, Philippines – Kinikilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan na marinig ang iba’t ibang boses mula sa mga kaalyado ng gobyerno at mga kritiko.
“Ang malinaw para sa akin, dito sa amin sa PCO, malinaw ang utos ng Pangulo na napakahalaga ng boses ng mga kasamahan, kakampi, kritiko. Important ‘yun sa isang demokrasya. And our president firmly believes that a critical media helps government become better,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano sa isang panayam.
At para naman sa free press, sinabi ni Cayetano na “that’s something we will continue to fight for.”
Winika pa ni Cayetano na nais niyang makatuwang ng PCO ang media o mga mamamahayag sa pagbibigay-alam sa mga tao kung ano ang ginagawa ng gobyerno upang makapagpartisipa ang publiko.
“Yun ‘yung pinaka-importante. Ako, lahat ng pilosopiya ko pagdating sa communications, nanggaling sa experience ko nung mayor ako, nung barangay captain ako. At lalong-lalo na nung pandemic, you could see how important it was for government to communicate to our people,” ang sinabi ni Cayetano.
“So tingin ko napakadaming mga ginagawa ‘yung gobyerno ngayon na kailangan maintindihan ng mga kababayan natin so they can participate and be part of it. And I think that’s what PCO wants to do moving forward,” litaniya nito. (KRIS JOSE)