MANILA, Philippines – Umabot sa record low na ₱64 kada dolyar ang palitan ng piso sa intraday trading nitong Martes, Oktubre 27.
Ayon sa website ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang piso sa ₱63.95 kada dolyar bago umabot sa ₱64 bandang alas-11:05 ng umaga.
Noong Lunes, nagtala rin ang piso ng record low na ₱63.95 kada dolyar sa pagsasara ng kalakalan.
Ayon kay Will Cabangon, pangulo ng stock brokerage firm na AAA Securities, maaaring makinabang sa paghina ng piso ang mga kumpanyang malaki ang kinikita sa dolyar dahil mas maraming piso ang katumbas ng kanilang kita kapag kinonberte ito.
“When you convert those dollars into pesos, the weaker the peso gets, the more earnings that they have,” ani Cabangon.
Pinayuhan din niya ang mga namumuhunan sa stock market na bantayan ang mga kumpanyang maaaring mabili sa mas mababang presyo.
“I think some of these really high quality companies are basically being given away for free right now,” aniya.
Sinabi ni Cabangon na nananatili siyang interesado sa mga kompanya ng utility, na matinding naapektuhan ng paggalaw ng interest rates.
“I still really like the utilities. They’ve taken quite the beating because utilities are very sensitive to interest rates, but interest rates don’t rise forever. It gets to a point where the central bank will stop hiking. I think that’s sooner than later, because as you’ve seen, GDP figures kind of slowed down quite a bit.”
Dagdag niya, posibleng isaalang-alang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapabagal sa pagtataas ng interest rates dahil sa paghina ng paglago ng ekonomiya. Inaasahan niyang maaaring makabawi ang mga kompanya ng utility kapag natigil ang mga pagtaas ng interest rates.
“I think we’re getting to the pain points now, where the BSP will consider slowing down interest rate hikes. So once that stops, I expect the utilities to bounce back with a vengeance,” ani Cabangon. RNT/MDS