Home METRO Paslit lunod sa Baseco Beach

Paslit lunod sa Baseco Beach

3
0

MANILA, Philippines – Patay ang 8-anyos na batang lalaki matapos maligo sa Baseco Beach sa Maynila nitong Lunes, Oktubre 26.

Sa ulat, pauwi na sa bahay galing sa paaralan ang Grade 2 student na si Jamric Ash Panes nang magpaalam sa magulang na pupunta sa internet shop ngunit naligo pala kasama ang mga kaibigan.

“Hindi nila sinabi eh tapos inutusan niya ‘yung mga batang kasama niya na bukas na lang daw sabihin sa amin tapos tinago nila ‘yung damit,” ayon sa ina ng biktima sa panayam ng GMA News.

“Ngayon ‘yung bata na hinahanap namin wala diyan, ‘yung 12-year-old. Kung sumigaw po sana sila, maraming tao sa dagat na naliligo,” dagdag pa.

“Malalim na imbestigasyon kailangan natin diyan. Actually ‘yung kaso, inakyat na ‘yung investigation sa homicide ng headquarters,” ayon naman kay Manila Police District-13 Deputy Station Commander P/Maj. Armando Linget.

Dahil dito ay iniulat na nawawala ang bata hapon ng Lunes at agad nagkasa ng operasyon ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Manila Police District, at mga tauhan ng barangay.

Pagsapit ng gabi ay narekober ang wala nang buhay na bata. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here