NUEVA ECIJA, Philippines – Arestado ng kanyang dating mga kabaro ang isang dating miyembro Philippine National Police (PNP) matapos umanong mahulian ito ng di-lisensiyadong baril at pagbi-biyahe umano ng mga “Uling” nang walang kaukulang permiso, sa inilatag na Oplan Sita (Check point) sa Barangay Sa Juan, Pantabangan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Kinilala ang suspek na si alyas “Atong”, 42 anyos, na dating pulis at residente ng Talaver, Nueva Ecija.
Sa ulat, nasabat sa checkpoint ng pinagsanib na puwersa ng Pantabangan Police Station, 2nd Police Mobile Force Company, Kasama ang ilang BPATS at mga Barangay Officials sa lugar ang isang puting Mitsubishi L300 van na may plakang NKT-7769 kung saan ininspeksiyon ang sasakyan.
Tumambad sa mga awtoridad ang isang homemade caliber .45 pistol na kargado ng bala na nakalagay sa isang bag na dala umano ng driver na suspek.
Nabisto rin ang animnapung (60) Sako ng Uling na karga ng sasakyan minamaneho ng suspek na umano’y walang mga kaukulang permiso sa pagbi-biyahe ng mga ito.
Hiningan ang suspek ng dokumento o papeles ng baril at dalang mga kargamento pero Walang maipakita dahilan para arestuhin Siya ng kanyang dating mga kabaro.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa mga kaukulang kaso. (ROEL TARAYAO)