Home HOME BANNER STORY Kampo ni Sen. Bato, dumulog sa SC vs P50M pabuya

Kampo ni Sen. Bato, dumulog sa SC vs P50M pabuya

3
0

MANILA, Philippines – Dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa upang hilingin ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa anumang tangkang pag-aresto sa kanya kaugnay ng inilabas na P50-milyong pabuya para sa kanyang pagkakaaresto.

Sa manifestation na inihain ng abogado ng senador na si Atty. Israelito Torreon, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman na harangin ang pagpapatupad ng bounty at ang anumang hakbang na maaaring humantong sa pagsuko kay Dela Rosa sa International Criminal Court (ICC).

Kinuwestyon din ng kampo ng senador ang agarang paglalabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng pabuya kahit hindi pa naaaksyunan ang kanilang motion for reconsideration na kumukuwestyon sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng ICC.

Hiniling din nila sa Korte Suprema na baligtarin ang naunang desisyon nitong ibasura ang petisyon ni Dela Rosa para sa TRO laban sa pagpapatupad ng ICC warrant of arrest. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here