Home METRO Visayas grid naka-red, yellow alert ngayong Okt. 29

Visayas grid naka-red, yellow alert ngayong Okt. 29

3
0

MANILA, Philippines – Isasailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Huwebes, Oktubre 29, dahil sa kakulangan ng available power supply, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Iiral ang red alert mula alas-5 hanggang alas-6 ng gabi, habang yellow alert naman mula alas-3 hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Ipinatutupad ang red alert kapag hindi sapat ang power supply upang matugunan ang demand ng consumers at regulating requirement ng transmission grid.

Yellow alert naman kapag kulang ang operating margin para tugunan ang contingency requirement ng grid.

Ayon sa NGCP, nasa 2,408 megawatts (MW) lamang ang available capacity ng Visayas grid kumpara sa inaasahang peak demand na 2,555 MW.

Tinatayang 796 MW ng kapasidad ang hindi available sa grid.

Kabilang sa mga dahilan ang hindi pag-operate ng malalaking coal plants na TVI 1, TVI 2 at KSPC 1, gayundin ang limitadong power imports mula Mindanao dahil sa planned outage ng GNPK 4 at TSI 2.

Sinabi rin ng NGCP na ilang power plants ang nananatiling naka-forced outage habang 18 plants naman ang tumatakbo sa derated capacity. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here